Aabot hanggang 5,000 ang mga meyembro ng Liberal Party sa Iloilo and lumipat sa partido ng PDP-Laban.
Karamihan sa mga opisyales ay mga mayors, vice mayors, councilors at barangay officials. Sila ay nanumpa ngayong Huwebes ng umaga sa pangunguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Pinangunahan din ito ng iabng kasapi ng PDP-Laban na sina Iloilo Governor Arthur Defensor Sr. and his sons 3rd District Rep. Arthur Defensor Jr. at Provincial Board Member Lawrence Defensor.
Sa speech ni Alvarez, sinabi niyang ayaw ng Pangulong Duterte ang sinumang meyembro ng partido ang may kaugnayan sa iligal na droga.
Kasama sa mga lumipat ng partido ng administrasyon ay ang dalawang mayor na kasama sa drug list ni Duterte. Ito ay sina Maasin Mayor Mariano Malones at Calinog Mayor Alex Centena.
"The President will not allow any local chief executives involved in illegal drugs to join the party," saad ni Alvarez.
Maaalala na ninangalanan ni Panglong Duterte si former Iloilo Jed Mabilog sa iligal na droga. At tinawag pa ito ng pangulo na "bedrock" ng droga dahil sa napararaming isyu ng lungsod patungkol sa droga.
Source: ABS-CBN
COMMENTS