Ex-Congressional Rep, ex-LP member on ICC case vs Duterte: Ang lahat ng ito ay bahagi pa rin ng PLAN B

Alam nila ang lahat ng ito pero isinampa pa rin nila sa ICC ang reklamo kahit ibabasura lamang ito dahil nga black propaganda ang pakay nila, ipapahiya si Pangulong Duterte at ang bansa sa harap ng mundo


A member of the Liberal Party and was elected as a Member of the House of Representatives, Atty. Glenn Chong on Monday revealed that the International Criminal Court (ICC) complaint filed against President Rodrigo Duterte was part of the Plan B of the opposition.

The member of the administration already spoke about it and cited that the move was just a black propaganda and the case is 'baseless.'

In his post, Atty. Chong stated that all they want is to shame and ruin the president internationally. Also, they are hoping that their effort would be paid off.

Read his full statement:
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang pagsampa ng reklamo sa International Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong Duterte ay isa lamang black propaganda – nagbabakasaling kumagat ang media sa buong mundo at ilarawan ang pangulo bilang mamamatay-tao gayong ginagampanan lamang niya ang kanyang tungkulin sa ilalim ng saligang batas. Hindi paniniwalaan ito ng sambayanan, dagdag pa ni Panelo.

Ayon naman kay presidential spokesman Ernesto Abella, pakay talaga ng reklamo sa ICC na ipahiya ang Pangulong Duterte na siyang host ng ASEAN Summit nitong linggong ito. Ang timing ng pagfile ng reklamo sa ICC ay suspek – balak talagang gumawa ng negative news sa ASEAN Summit upang ipahiya ang pangulo at ang buong pamahalaan.

MAARING IBASURA NG ICC ANG REKLAMO NI SABIO DAHIL SA PRINCIPLE OF COMPLEMENTARITY
Ang Rome Statute ang treaty o kasunduan na nilagdaan ng 139 na bansa na nagtatag ng International Criminal Court upang magbigay ng hustisya sa mga serious crimes saan mang bahagi ng mundo.

Ang pinakapuso ng bagong sistemang ito ay ang ideya na, una at higit sa lahat, ang pambansang otoridad o korte ang siyang unang hahawak ng kaso. Ang jurisdiction ng ICC o kapangyarihang humawak ng kaso ay complementary lamang, hindi primary. Ibig sabihin, bago tanggapin ng ICC ang kaso, dapat ay dumaan muna ito sa pambansang otoridad o korte ng bansa dahil ang ICC ay “court of last resort.” At base sa mga kasong tinanggap at hinawakan ng ICC, ang principle of complementarity ang pinakamahalagang konsepto o prinsipyo ng Rome Statute.

May 4 na rason kung bakit pinaiiral ang principle of complementarity:

1. Upang bigyan ng proteksyon ang akusado kung siya ay nililitis na ng korte ng kanyang bansa (proteksyon laban sa double jeopardy o ang paglitis ng isang krimen ng dalawa o mahigit pang beses ng iba’t-ibang korte);

2. Upang respetuhin ang pambansang soberenya ng bansa;

3. Upang bigyang diin ang tungkulin ng mga bansa sa ilalim ng international at national law na imbestigahan at litisin ang mga serious crimes; at,

4. Dahil hindi kaya ng ICC na hawakan ang lahat ng serious crimes sa buong mundo.

Dahil sa umiiral na principle of complementarity, ang isang reklamo ay hindi tatanggapin ng ICC:

1. Kung gumawa na ng karamptang aksyon ang pambansang otoridad ng bansa;

2. Kung nag-imbestiga na ang pambansang otoridad ng bansa sa nasabing kaso at nagpasyang hindi na ito lilitisin; at,

3. Kung nililitis na ang nasabing kaso sa national level.

Matatandaan na sinampahan na ng kaalyado ni Trillanes si Pangulong Duterte ng impeachment complaint sa Kamara. Ang unang basehan ng kanyang reklamo ay ang extrajudicial killings at Davao Death Squad. Ito rin ang buod ng reklamo ni Sabio sa ICC. Lumalabas na ang kampo ni Trillanes ay nagforum-shopping sa loob at labas ng bansa upang maghanap ng jurisdiction na kakampi sa kanila o maniwala sa kanilang mga istorya.

Dahil sumailalim na sa proceso ng impeachment ang nasabing reklamo, may ginagawa nang karampatang aksyon ang pambansang otoridad ng Pilipinas. At dahil nag-imbestiga na rin ang Senado sa parehong isyu at lumabas na walang pambansang patakaran na patayin ang mga drug addicts, pushers at dealers, nagpasya na ang pambansang otoridad ng Pilipinas na hindi na ito lilitisin dahil nga walang ebidensiya na magpapatunay sa istorya ng grupo ni Trillanes.

Alam nila ang lahat ng ito pero isinampa pa rin nila sa ICC ang reklamo kahit ibabasura lamang ito dahil nga black propaganda ang pakay nila, ipapahiya si Pangulong Duterte at ang bansa sa harap ng mundo, at nagbabakasakaling magbunga ang kanilang forum-shopping.

Ang lahat ng ito ay bahagi pa rin ng PLAN B.

Source: Glenn Chong 

COMMENTS

Name

Duterte,1,Entertainment,23,Exam Result,2,Funny Videos,12,Health,10,Inspiring,20,Lifestyle,11,Local News,963,New,308,News,603,Opinion,347,Relationship,4,Showbiz,4,Tech,3,Travel,6,Trending,38,Tutorial,10,Videos,94,Viral,33,
ltr
item
NowReader: Ex-Congressional Rep, ex-LP member on ICC case vs Duterte: Ang lahat ng ito ay bahagi pa rin ng PLAN B
Ex-Congressional Rep, ex-LP member on ICC case vs Duterte: Ang lahat ng ito ay bahagi pa rin ng PLAN B
Alam nila ang lahat ng ito pero isinampa pa rin nila sa ICC ang reklamo kahit ibabasura lamang ito dahil nga black propaganda ang pakay nila, ipapahiya si Pangulong Duterte at ang bansa sa harap ng mundo
https://3.bp.blogspot.com/--dOy5bQfi6I/WP8Q29JfzXI/AAAAAAAAIRQ/oYJcV0oUO1IHd8bv5lfNmR4lBu9zL3N0gCLcB/s1600/Untitled%2Bcollage%2B%25282%2529.jpg
https://3.bp.blogspot.com/--dOy5bQfi6I/WP8Q29JfzXI/AAAAAAAAIRQ/oYJcV0oUO1IHd8bv5lfNmR4lBu9zL3N0gCLcB/s72-c/Untitled%2Bcollage%2B%25282%2529.jpg
NowReader
http://www.nowreader.com/2017/04/ex-congressional-rep-ex-lp-member-on.html
http://www.nowreader.com/
http://www.nowreader.com/
http://www.nowreader.com/2017/04/ex-congressional-rep-ex-lp-member-on.html
true
5550435775083149038
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy