PNP chief dela Rosa: I am ready to resign, kung pabigat ako kay Presidente Duterte


Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald "Bato" dela Rosa handa raw syang magbitiw sa puwesto kung ipaguutos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Kamakailan lang ay nanawagan si House Speaker Pantaleon Alvarez at ilang netizens na magbitiw na si Dela Rosa dahil sa pagkakapatay sa Koreanong si Ick Joo Jee sa loob mismo ng Kampo Crame.

"I am ready, I will ask the president kung pabigat ako sa kanya...then...I will ask him," aniya.


Sinabi ni dela Rosa na hindi na  kailangang magbigay ng pormal na sulat ukol sa posibleng pagbibitiw niya sa puwesto.

"Hindi na po kailangan ng formal [resignation letter], kausapin ko na lang siya," sabi ni Dela Rosa.

Ayon naman kay PNP spokesman Carlos, kailangan munang unawain ang kaso ni SPO3 Ricky Sta. Isabel na suspect "tokhang for ransom". At dagdag pa nya ay dahil hindi naman aniya pwedeng mabura ang 6 na buwan na nagawa ng kapulisan sa ilalim ng liderato ni Dela Rosa.


Naunang ng naglabas ng hinanaing si dela Rosa kaugnaysa gustong pagbitiwin na sya.

“Akala ba nila nag-e-enjoy ako sa trabaho ko. Gusto nila ako mag-resign, sabihin nila sa Presidente na paalisin ako. “Habang meron pa kaming mission na gagawin tapusin muna namin itong war on drugs. Siguro kapag tapos na, ma-declare na natin na drug-free ang buong Pilipinas pwede na ako mag-resign,” aniya.

“Grabe naman sila. How cruel of them to say na mag-resign ako. Wala na nga akong pahinga, wala na nga akong tulog but anyway we cannot satisfy everyone,” dagdag nya.


Source: ABS-CBN, GMA

No comments

Template images by Jason Morrow. Powered by Blogger.