THIS IS SO UNFAIR! Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kay Duterte nila binabaling ang sisi

Click Here To Read More!


By Atty. Bruce Rivera

Totoo na masakit ang mamatayan. Kasi mahal mo namatay kaya masama ang loob mo. At alam natin na pag pumanaw na ang taong mahal natin, tila mahirap na pag-usapan pa ang kanyang kamali-an, kung meron. Ang naalala lang natin ay yung magandang bagay. Kaya lalo tayong nasasaktan. Hindi naman sinasabi ni PRRD na mali ang ginawa nilang pag-iyak. Kasi karapatan at obligasyon nating magluksa sa mahal natin pag pumanaw na ito. Ang sinabi lang ni PRRD ay ang gamitin ng media at mga anti-admin ang larawan na ito at ihighlight tapos yung masamang dulot ng droga, ang mga pinapatay ng droga ay hindi man lang napapansin.

Nakita niyo ba ang bangkay nung one year old na lumabas na ang bituka dahil ni-rape ng isang adik? O yung babaeng putol ang katawan dahil napagtripan ng mga lango sa droga. Hindi, di ba? Kasi hindi naman natin nakikita sa mga newspapers at online sites.

Naiintindihan ko ang galit ng pamilya. Baka nga napagbintangan lang. Pero pwede din na dahil sa hirap ng buhay ay nagtulak din ito. Madaling sabihin na user ka kaya hindi ka dapat pinatay pero alam nating lahat na karamihan ng tulak ay hindi umaamin na nagtutulak sila. Pero dahil patay na ang tao, masamang pagdudahan pa siya.

Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kay PRRD nila binabaling ang sisi. Ano ang gusto ninyo, hindi siya magdeclare ng all-out war sa drugs para hindi matakot ang mga drug pushers at drug lords at matigil na ang patayan? Hindi si Duterte ang pumapatay sa kanila. At malaki ang hinala ko na hindi din mga vigilante. Ang pumapatay ay ang mga mismong drug lords at mga malalaking tao na nasa likod nito para mawala ang mga galamay na magtuturo sa kanila. Kasi madaling magturo ang mahirap na pusher or user dahil hindi naman masyadong malaki ang mawawala sa kanila. Kaya sila ang unang nililigpit. Yung mga yumaman na dahil sa droga ang mahirap mong paaminin at kung patay na lahat ng pwedeng mag-ugnay sa kanya sa droga, mas mabuti yun. Magpapahinga lang siya ng anim na taon, magkunwaring malinis tapos pag wala na ang sagabal, balik negosyo na naman. Andaming batang pwede mong demonyohin at gawin tagatulak ng droga mo.

Walang magandang naidudulot kay Duterte ang mamatay ang mga maliliit na tulak na pwedeng magturo sa mga malalaking isda. At madaling gumawa ng cardboard para isabit sa taong ipinapatay mo dahil sa takot mo na isasangkot ka niya. At nagiging kampante silang gawin yun dahil bawat runner or basurero na pinapatay nila..

Alam nila, andyan ang media at mga anti-Duterte na handang gawing issue ang extra-judicial killing at ilagay sa ating Pangulo ang dugo ng mga pinatay nila.

Kasi ako, maraming extra-judicial killing na nakita pero hindi natin pinapansin. Eto yung mga pinatay ng droga. Mga taong natuyot dahil sa bisyo at yung mga pinatay ng mga lango sa droga. At mas madami sila. Yun nga lang, hindi sila headline.


COMMENTS

Name

Duterte,1,Entertainment,23,Exam Result,2,Funny Videos,12,Health,10,Inspiring,22,Lifestyle,11,Local News,1013,New,308,News,642,Opinion,384,Relationship,4,Showbiz,4,Tech,3,Travel,6,Trending,39,Tutorial,10,Videos,94,Viral,34,
ltr
item
NowReader: THIS IS SO UNFAIR! Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kay Duterte nila binabaling ang sisi
THIS IS SO UNFAIR! Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kay Duterte nila binabaling ang sisi
Click Here To Read More!
https://2.bp.blogspot.com/-M15gEMIUhsk/V6M9l3e3lSI/AAAAAAAADBo/0jfprTnCUhABwVtmwxyNi-QxDDaHvfRkwCLcB/s1600/FotorCreated.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-M15gEMIUhsk/V6M9l3e3lSI/AAAAAAAADBo/0jfprTnCUhABwVtmwxyNi-QxDDaHvfRkwCLcB/s72-c/FotorCreated.jpg
NowReader
http://www.nowreader.com/2016/08/this-is-so-unfair-ang-hindi-ko-lang.html
http://www.nowreader.com/
http://www.nowreader.com/
http://www.nowreader.com/2016/08/this-is-so-unfair-ang-hindi-ko-lang.html
true
5550435775083149038
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy