2,500 na sundalo ipapadala sa Sulu para tugisin ang Abu Sayyaf


Labing limang sundalo ang nasawi at sampo naman ang sugatan sa bakbakan ng Abu Sayyaf at militar.

Para pulbusin ang bandidong Abu Sayyaf, nagpadala ang Department of National Defense (DND) ng limang daan sundalo sa Sulu.

Ayon kay Presidential spokeman Ernesto Abella, pursigido ang pangulo na ubusin ang mga bandidong Abu Sayyaf.

Ikinalungkot ng Pamahalaan na nalagasan ng labing limang sundalo laban sa bandidong groupo.

“We are going full force at tsaka all out operations sa kanila doon,” sabi ni Abella 


Ngayong araw nakatakdang dalhin ang mga bangkay ng 15 sundalo na nasawi sa bakbakan laban Abu Sayyaf. 


Patuloy parin ang pagtugis ng mga militar para tuluyang mapulbos ang mga bandidong groupo.

"Panatilihin ang focus hanggang sa ma-pressure ang mga bandido at tuluyan na itong mapulbos," ayon ni Gen. Visaya

No comments

Template images by Jason Morrow. Powered by Blogger.