Mga Punerya, Imbes Na Matuwa Ay Nagreklamo Pa Sa Dami Ng Napapatay

Imbes na matuwa, maraming may-ari ng punerarya ang nagrereklamo dahil sa dami ng mga napapatay na suspek sa krimen dahil sa pinaigting na operasyon ng pamahalaan kontra kriminalidad.
Taliwas ito sa inaasahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbigay pa ng payo sa mga taong nais magnegosyo na mas mainam diumano na magbukas ng negosyong punerarya dahil siguradong kikita ito.
Sa ulat ng TV Patrol, umaaray na ang ilang may-ari ng punerarya tulad na lang ng Pacheco Funeral Homes sa Quezon City na accredited ng SOCO (Scene of the Crime Operatives) at tinatawagan ng pulisya upang kunin ang mga napapatay na suspek sa ilegal na droga at iba pang krimen.


Ayon sa may-ari ng Pacheco Funeral Homes ay nalulugi na sila dahil sa sunud-sunod ang mga napapatay na suspek. Malaki raw ang nagagastos nila sa pagproseso ng bangkay, subalit marami sa mga ito ang hindi naman kinukuha ng mga kaanak.
Natetengga raw ang mga bangkay sa kanila at malaking gastos ang ginugugol sa mga gamot para ma-preserba at hindi agad maagnas ang mga katawan. At kung may kaanak naman na kumukuha ng bangkay ay pahirapan naman ang pagsingil sa mga ito.
Kadalasan daw ay sa kanila pa ibinubunton ng mga kaanak ng napatay ang galit nila sa mga pulis.


Source: ABS-CBN News

No comments

Template images by Jason Morrow. Powered by Blogger.